Dumalo sa Kumperensya

sa Pamamagitan
ng Social Media

Image may contain: one or more people, text that says 'COI MCMLXII NG WIKANG PAMBANSA 2020 PAMBANSANG KUMPERENSYA SA FILIPINO Paglinang sa Wika, Panitikan, at Pamamahayag sa Filipino 29 Agosto 2020 Sabado 7:30 am 5:00 pm sa GOOGLE MEET Rasyonale ng kumperensya Ang pamumuno Trinity University Asia ay tatalakay kinalaman wika, panitikan, atpamamahayagsa inimbitahan pananaw tungkol eksperto paksa. larangan mga mga nasabing kultura kaalaman Pilipinas. Mga mga magbibigay daan dadaluhan indibidwal na Sa pamumuno ng Kolehiyo Sining, Agham, kumperensya Edukasyon ng Trinity University pamamahala ng Komunikasyon Asia Katuwang ang Kagawaran mga Wika Kontemporaryong Araling Pantao Bisitahin ang www.tua.edu.ph para LIBRE PARA SA LAHAT! ANGKUMPERENSYANGITOAY mga MAGPATALA: impormasyon. gle/Q32oejShDHvXSW8C7 /.'

RASYONALE

Ang wikang Filipino ay naglilinang sa maraming aspekto ng pamumuhay ng mga indibidwal. Ito rin ang wikang nagbibigay kakayahan sa midya upang maghatid ng impormasyon at kalaaman sa mamamayang Pilipino. Dahil dito, ang mga paaralan sa iba’t ibang antas ay inatangan ng responsibilidad na magpanday ng mga kaalaman, kahusayan at kasanayan na kinakailangan upang maihanda ang mga mag-aaral sa tunay na hamon ng buhay.

Sa paglaganap ng pandemyang COVID-19, naging saligan ng midya ang paggamit ng iba’t ibang makabagong midyum tulad ng Internet at social media. Ang mga midyum na ito ay tumutulong sa pagpapalaganap ng mga makabago at napapanahong impormasyon.  Ito rin ay humuhulma sa kinabukasan ng ating mga mag-arala para mahalin ang wikang pambansa.

Ang ibat-ibang wika sa Pilipinas ay mga mahalagang instrumento sa pagpapalaganap ng impormasyong literasi. Ang mga ito ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagtuturo at pagkatuto ng bawat estudyante at mamamayang Pilipino ng kanilang sariling kultura.

Ang pambansang kumperensya na ito, sa pamumuno ng Kagawaran ng Midya at Komunikasyon katuwang ang Kagawaran ng mga Wika at Kontemporaryong Pag-aaral ng Tao ng Kolehiyo ng mga Sining, Agham at Edukasyon sa Trinity University of Asia ay tatalakay sa mga mahahalagang isyu na may kinalaman sa wika, panitikan at pamamahayag sa Pilipinas.

Mga piling eksperto sa kanilang larang ang inimbitahan upang maghayag ng kanilang mga makabago at napapanahong kaalaman at pananaw tungkol sa mga nasabing paksa. Inaasahan na sa pamamagitan ng kumperensya ito, ang mga kalahok ay magkakaroon ng mas malalim at mas malawak na kaalaman na magbibigay daan sa pagpapayaman sa mga wika at kultura ng Pilipinas.