2021 Pambansang Kumperensya sa Filipino
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ang Kolehiyo ng Agham, Sining, at Edukasyon, sa pamumuno ng Kagawaran ng Midya at Komunikasyon at sa pakikipagtulungan ng Lupon ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Agham, Sining, at Edukasyon ng Trinity University of Asia, ay muling magdaraos ng Pambansang Kumperensya sa Filipino na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.” Kaugnay nito, muli po namin kayong inaanyayahang dumalo sa birtwal na kumperensyang ito sa darating na Agosto 27-28, 2021. Kasalukuyang isinasaayos ang CPD points para sa kumperensya. Ito ay nagkakahalagang Php 500.00 sa bawat kalahok. Sa mga nais lumahok ng LIBRE, subaybayan ang kumprensya sa Facebook page ng Mediation.
Para makapagpatala, mangyari lamang na pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/2021PKFil. Para sa iba pang detalye tungkol sa kumperensya, maaring bumisita sa https://tua-events.org/pkfilipino. Para sa karagdagang katanungan, maaaring magpadala ng email sa pkf@tua.edu.ph.