2020 NATIONAL CONFERENCE ON FILIPNO SPELLED SUCCESS
There are a total of 3,507 registered participants in the conference around the Philippines from students, teachers, government, non-government organizations, professional organziations and other interested individuals. FB Live statistics showed that there are more that 21,000 audiences reached by the conference as of 29 August 2020. It is being live streamed at FaceBook and YouTube. The entire details of the program can be viewed at www.tua.edu.ph.
The program opens its registration from 7:30 until 9:00 in the morning with Mr. Romnick Sarmenta welcoming the participants. Mr. Jervis Manahan on the other hand gives an overview on the importance of the Filipino language in a brief. Fr. Echanes Cadiogan, the University Chaplain led the prayer in a native language of Mountain Province and followed by the National Anthem and Trinity March.
In a welcome message, Dr. Gisela Luna, the Vice-President for Academic Affairs of the University thanked the participants in their interest for the national language through their participation in the conference. Dr. Howell Ho, the Dean of the College connects the theme to the pandemic that the Philippines is experiencing in his presentation of the rationale of the conference.
Asst. Prof. Divino Cantral Jr. of the Media and Communication Department explained the inclusion of Pamamahayag sa Filipino as elective subject in the Department in Filipino language:
ANG PAMAMAHAYAG SA PILIPINO
Isang mainit at taos-pusong pagbati sa lahat ng panauhin at sa mga tagapanood sa ating live stream sa Facebook at YouTube.
Sa mahabang panahon, ang asignaturang Pamamahayag ay itinuturo sa wikang Inggles. Basic Journalism. Five Wives and 1 Husband. Subject-verb-object of the verb. Active voice. Iyan ang mga natutunan natin sa pag-aaral ng pagsusulat ng balita. Walang masama kung mahasa ang mga mag-aaral sa pagsulat ng balita gamit ang wikang Inggles. Makatutulong ang ganitong kakayanan upang magkaroon sila ng puwang sa industriya ng pamamahayag.
Sa isang sarbey na isinagawa ng Kagawaran ng Midya at Komunikasyon ng Trinity University of Asia may ilang taon na ang nakararaan, lumalabas na karamihan sa mga nagsipagtapos ng kursong Pangmadlang Komunikasyon, Komunikasyon, at Brodkasting sa Pamantasan ay nagiging bahagi ng mga kumpanyang nagbabalita sa wikang Filipino.
Marami sa kanila ay naging tagapagbalita sa telebisyon, sa radyo, at sa mga pahayagang nasa wikang Filipino, naging DJ sa FM, mga tagapamahala ng talakayan sa iba’t ibang sangay ng midya, mga tagaganap sa entablado at pelikula, at mga tagasulat ng iskrip.
Sa ganitong kadahilanan ay minabuti ng aming kagawaran na ialok ang asignaturang Pamamahayag sa Filipino bilang isang elektib sa mga mag-aaral ng Batsilyer ng Sining sa Komunikasyon at Brodkasting. Layunin nito na mahasa ang mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa pagsusulat at pag-brodkast ng balita. Bagama’t wala ito sa listahan ng mga iminumungkahing asignatura ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o CHED, nakita ng Trinity University of Asia na isang awtonomus na Pamantasan ang kahalagahan ng pag-alok na naturang asignatura.
Malaki ang epekto nito sa pag-unawa ng mga tagatanggap ng mensahe o audience sapagkat higit nilang naiintindihan ang ibinabalita kung ito ay nasa wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Kalakip nito, mas magkakaroon sila ng malaking bahagi at pakikialam sa mga isyung panlipunan.
Masidhing pagpapahalaga ang ibinibigay ng Trinity University of Asia sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Aming hangad na sa munting ambag na pag-aalok ng asignaturang Pamamahayag sa Filipino ay lalong tumibay at lumakas ang paggamit ng sariling wika sa pangmadlang komunikasyon. Maraming Salamat sa inyong lahat.
The Dance Troupe headed by Ms. Hazel Arce Yahweh and Chorale headed by Ms. Emmely Noemi Arboleda of the University rendered intermission numbers respectively. In a closing remark, Dr. Teresita Capacete, the Assistant-to-the-Dean emphasized that we, as a Filipino nation needed to take-off for us to unite and spread positivity through the use of the Filipno language.
Keynote Speakers
Keynote speakers shared the relevance of Filipino language in learning media and communication. The invited speakers who are media practitioners pointed the love for the Philippines through the use of the Filipino language in engaging in different socio-political issues.
The panel of keynote speakers calls upon the participant to stand for legitimacy and understand media literacy and other forms of communication in creating and re-creating texts pertaining to contextualizing Filipino language learning. They also emphasized the role of the language in creating and crafting the hearts and minds of the Filipinos and affirming their national identity.
Dr. ARTHUR CASANOVA
Akting Tagapangulo
Komisyon sa Wikang FilipinoIsinilang sa Sampaloc, Maynila. Nagtrabaho sa larangan ng pelikula at telebisyon bilang director sa acting workshop at dubbing art, at production designer. Nagtrabaho sa Regal Films bilang acting coach sa mga pelikula ni Nora Aunor at iba pang artista.
Nagturo ng mga asignaturang International Baccalaureate Filipino at Theatre Arts sa Brent International School Manila; Advanced Filipino Abroad Program sa loob ng walong sa UP Los Baños, Philippine Normal University, at Dela Salle Universitu –Taft; wikang Filipino sa Miriam College, Dela Salle College of St. Benilde, at sa Unibersidad ng Santo Tomas; kursong Linguistics sa Graduate School ng De La Salle University at Philippine Normal University at ng Drama and Theater Arts sa undergraduate. Naging Fulbright Fellow sa Arizona State University sa Tempe, Arizona, U.S.A. kung saan nagturo siya ng Filipino Bilang Pangalawang Wika/ Para sa mga Dayuhan. Nagturo ng Filipino for Foreigners sa University of Wisconsin-Madison, Wisconsin University.
Isa siyang premyadong edukador sa larang ng wika at lingguwístiká. Bílang manunulat, may higit 40 aklat na siya kabilang ang iba’t ibang kuwentong pambata na kinikilala bilang makabuluhang ambag sa larang ng edukasyon. Nagsulat at naglathala ng mga aklat hinggil sa kasaysayan ng dulaang Pilipino, kasaysayan ng dulaang pambata at pantinedyer sa Pilipinas. May-akda ng DIKSYUNARYO SA DRAMA AT TEATRO. Nagpamalas din siya ng kaniyang talento sa teatro bílang artista at director. Nagdirihe ng mahigit limampung (50) dulang pantanghalan, karamiha’y mga dulang musikal. Nakasulat at naglathala ng mahigit na apatnapung (40) dulang may isang yugto at mga dulang ganap ang haba.
Sa kaniyang pagtahak sa larang ng wika, teatro, at edukasyon, nakatanggap siya ng mga pagkilala mula sa iba’t ibang institusyon sa bansa. Kabilang dito ay ang Komisyon sa Wikang Filipino, Manila Critics Circle, Metrobank Foundation, National Book Development Board, Catholic Mass Media Award at marami pang iba.
Naging iskolar ng National Science Development Board sa Mindanao State University sa Lungsod Marawi at nagtapos ng B.S.E. major in Chemistry, minor in Physics and Mathematics at B.S.E. medyor sa Pilipino bilang cum laude. Nagtapos ng apat na diplomang panggradwado sa Philippine Normal University: M.A.T. in Filipino Linguistics; M.A. in Filipino Linguistics; M.A.T. in Drama Education and Theater Arts, PhD in Filipino Linguistics and Literature.
__________________
Prof. LUZ RIMBAN
Executive Director of the Asian Center for Journalism
Ateneo de Manila UniversitySiya ay nagging journalist sa mahigit tatlumpong decada na kung saan nagtrabaho sa ibat-ibang organisasyon ng midya tulad ng Manila Standard, GMA-Channel 7, ABC-5 na ngayun ay TV5, at ANC, isang sangay ng ABS-CBN Broadcasting Network.
Siya ay naging kabahagi ng dalawang non-profit news organizations: ang Philippine Center for Investigative Journalism at ang VERA Files, ang mga samahan na isa sa pinamunuan niya kasama ng lima pang mga batikang mamahayag upang maitatag.
Samantala, ang Asian Center for Journalism ay isang yunit na bahagi ng Kagawaran ng Komunikasyon ng Ateneo de Manila University.
Ang kontribusyon niya sa larangan ng midya at komunikasyon ay kinilala sa pamamagitan ng mga parangal na kanyang tinanggap, ito ay ang mga sumusunod: Jaime V. Ongpin Awards for Excellence in Journalism, Marshall McLuhan Fellowship Award at ang Ninoy Aquino Fellowship Award.
Noong 2018, siya ay nakatanggap ng Glory Award bilang outstanding alumnus ng University of the Philippines College of Mass Communication
__________________
Dr. EMMANUEL GONZALES
Tagapangulo
Pampelikulang Samahan ng mga DalubguroSiya ay kasalukuyang Full Professor II at Tagapangulo ng Language and Literature Department sa Far Eastern University-Manila. Naging Tagapangulo rin siya ng Interdisciplinary Studies Department at Tanggapan ng Larangan ng Filipino ng limang taon sa FEU sa ilalim ng Institute of Arts and Sciences.
Tumanggap siya ng pagkilala sa mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang Ulirang Guro sa Filipino nong 2018 at sa paligsahan pagsulat ng sanaysay sa Gawad Collantes noong 2009. Nagwagi din siya ng ikalawang gantimpala sa pananaliksik wika sa Gawad Clemencia Espiritu mula sa Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino noog 2008. Ginawaran ng FEU bilang Outstanding Faculty ng limang ulit at Naging nominado ng FEU sa MetroBank Outstanding Teacher 2007. Pinarangalan din siya ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ng Gintong Ani Award 2010.
Sa kasalukuyan siya ang Tagapangulo ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro o PASADO. Pangalawang Pangulo ng Pambansang Asosasyon ng Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS) at ng Hamaka Pilipinas (HAMPIL). Awtor siya ng mga aklat sa Araling Panlipunan, HEKASI, at FILIPINO sa antas tersyarya, sekondarya at elementarya. Tagapagsanay rin siya ng mga guro sa Department of Education sa antas Elementarya, Sekondarya at Kolehiyo sa mga Araling Filipino at Sibika at ng pagtuturo ng Filipino sa mga banyaga.
Nagtapos siya ng kanyang Bachelor of Science in Education major sa Social Studies at minor sa Filipino sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Natapos niya ang kanyang Master of Arts in Language in Literature at Doctor of Arts in Language and Literature sa De La Salle University-Manila.
Plenary Speakers
The plenary sessions were divided into two parts: (a) Wikang Filipino at Reaksyon sa Pandemya and (b) Papel ng Midya at Komukasyon sa Pandemya.
Speakers in the first plenary session were Dr. IAN ESPADA, Kolehiyo ng Komunikasyon, West Visayas State University, Iloilo City on “Wikang Hiligaynon sa Pamamahalang Panglungsod sa Panahon ng Pandemya”; Dr. LITA BACALLA, Kolehiyo ng mga Sining , Cebu Normal University, Cebu City on “Wika at Kulturang Sebuwano at sa Tagalog: Isang Pagdalumat”; Dr. RAMIR PHILIP JONES SONSONA, Kolehiyo ng Agham at Edukasyong Panteknolohiya University of Science and Technology of Southern Philippines, Cagayan De Oro City on “Wika ng Pananaliksik sa Panahon ng Pandemya”; and Dr. GINA SY-LUNA, Institusyon ng mga Sining at Agham, Far Eastern University, Manila on “Ang Pagsasaling-Wika sa Panahon ng Pandemya”.
Invited speakers in the second plenary session were Dr. JOCELYN CUCHAPIN, Kolehiyo ng mga Sining, Technological Institute of the Philippines, Quezon City on “Ang Estado ng Literaturang Pilipino sa Bagong Kadawyan”; Dr. MARIA VERA TUPLANO, Kolehiyo ng Edukasyon, De La Salle University, Manila on “Paggamit ng Filipino sa Pagpapatatag ng Pananampalataya ng Pamayanan”; Dr. GWENETHA YBANEZ-PUSTA, Fakulti ng mga Sining at Letra, University of Santo Tomas, Manila on “Lipunan, Kalayaan at Pamamahayag sa Wikang Pilipino” ; and Dr. MARIE GRACE REOPEREZ, Kolehiyo ng Edukasyon, University of the Philippines Diliman on “Code-Switching sa Pakikipagtalastasan: Isyu o Hindi?.”
Expressions of Thanks from the Participants
The participants, mostly from the Department of Education teaching in elementary, junior high school, and senior high school express gratitude in the for the facilitation of the College of Arts, Sciences and Education of Trinity University of Asia in conducting the national conference.
The organizers received an extremely overwhelming positive evaluation from the participants and suggested that another national conference will be conducted focusing on media literacy, sciences and health communication.
The Media and Communication Department with its 45 years of delivering academic programs namely, Bachelor of Arts in Broadcasting, Bachelor of Arts in Communication, and Bachelor of Arts in Mass Communication will continue to reach out as service to the country through different digital and emerging media activities.
The national conference was presented to the University top management headed by Dr. Wilfred Tiu (University President), Dr. Gisela Luna (Vice-President for Academic Affairs), and Ms. Leonora Yngente (Vice-President for Administration and Finance) by Dr. Howell Ho, the Dean of the College and Dr. Teresita Capacete, the Assistant-to-the-Dean. The project brief was prepared by Dr. Walter Yudelmo, Head of the Media and Communication Department and Assoc. Prof. Grace Sarao, Head of the Languages and Contemporary Human Studies extended other needed materials for the conference.
Organizers of the national conference are Mr. Raul Quetua, Mr. Caleb Donne Coniate, Mr. Divino Cantal Jr., Dr. Al Ryanne Gatcho, Mr. Roll Jervis Manahan, Mr. Rae Francis Quilantang, Mr. Gil Mariano Razon, Mr. Romnick Sarmenta, Dr. Maria Cecilia Ycong, Ms. Aislinn Hinanay, and Mrs. Ahleli Ayos.
Also, the organizers extend a special thanks to Mr. Duane Umali of Sghang-Hi Syndicate, the external pratner digital switching together with the students from the Media and Communication Departement; Ms. Anne Regine P. Rivera, Ms. Lavay Sandrine Torres, Mr. Paul Andrew Battad, and Mr. Carlo Vincent Justiniano.